Brod. Ano ba talaga ang ibig sabihin ng banal na halik na sinasabi ng Inc?
Kapatid di naman ako INC pero naiitindihan ko ang stand nila.
Roma 16:16
"Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia
ni Cristo. "
Kaya kasi paborito ito dati ng INC kasi nakasulat dito ang Inglesia ni Cristo nila. Pero halata naman that's not the case. Pero di yun kasi tanong mo so lets go to the answer.
Ang biblia kapatid ay may 2 sides. Yung unang side e para dun sa ordinaryong mambabasa o yung may doubt o unbelievers. dito nila mababasa na parang storya lang ang biblia at may makukuha silang aral sa mga storya na to o ang iba sa kanila ay di maka paniwala sa mga storya dito o di nag aaply sa kanila.
Yung pangalawang side e yung mahiwaga at malalalim na na kahulugan ng mga sitas ng bibliya, para eto sa mga taong nakasumpong ng kaalaman at mga taong binayayaan ng Diyos na maka intindi kumpara sa ordinaryong tagabasa sa deskripsyun ko sa taas.
Usually may mga purpose tong mga tao na to na gabayan ang mga ordinaryong tao sa pag itindi ng bibliya.
So to make the matter short dun tayo sa unang part ng pag itindi ng bibliya about sa banal na halik.
Sa mga dating panahon, sa panahon ng mga Hudyo o Jews, ang batian nila ay ang paghahalik. Hangang ngaun pinapraktis eto sa kultura nila. Gayun din yun sa simbahan nila at ang kapatiran sa Diyos saka Inglesia. Nung nag simula na lumawak ang salita ng Diyos sa ibat ibang lugar, dinala ni Pablo ang ganitong tradisyun sa mg Iglesia ng Diyos, sinasabi sa mga turo at sulat nya na GREET EACH OTHER, EVERYONE IN THE CHURCH with a HOLY KISS.
E bakit Holy kiss? Kasi maraming klaseng halik! meron halik ni Hudas, may Halik sensual, May halik magulang sa anak, may halik din mag asawa. Ang Banal na Halik ay Banal. Ano ba ang banal?
Gawin nalang natin simple ang meaning ng banal, eto yung walang malisya at puno ng pagmamahal.
Bakit sinabi eto ni Pablo? Kasi tama naman sya. Gusto ng Diyos na ituro ito sa buong mundo ang paghalikan ng walang malisya at may pagmamahal bilang isang buong Iglesia, papano kasi sa ibang kultura e di naman maganda tignan ang dalawang lalake naghahalikan, o ang may asawa humalik sa isang dalaga o binatilyo, kaya nya naisulat yun.
Ang tanong ngaun. Naghahalikan paba ang mga tao sa loob ng Iglesia? E ang halikan ng mga hudyo e smack talaga yun! lol
Since tinuro yun ni Pablo dapat daw sundin!
May answer ang bibliya dun. Mas maganda na kayo na maka sumpong, keysa naman e spoon feed ko pa. Mas maganda na na muni muni kayo at napaisip no? hehehe.
Next question pls. LOL